KWF

𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠𝐚π₯𝐚𝐩 𝐧𝐠 d𝐚𝐭𝐨𝐬 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 k𝐒π₯𝐚π₯𝐚𝐧𝐠 d𝐒𝐲𝐚π₯𝐞𝐀𝐭𝐨 𝐧𝐠 w𝐒𝐀𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚π₯𝐒𝐧𝐠𝐚, 𝐧𝐚𝐒𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚

33 Views

NAISAGAWA ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa pangunguna ng Sangay ng Lingguwistika at Aplikadong Lingguwistika (SLAL) ang pangangalap ng datos sa mga kilalang diyalekto ng wikang Kalinga na Binutbut, Guinina-ang, at Finangad noong 21-25 Abril 2025 sa Kalinga.

Sa gawaing ito, inalam ang kasalukuyang estado ng paggamit ng mga naturang diyalekto.

Isinapanahon din ang mga lugar kung saan pangunahing ginagamit at/o sinasalita ang mga diyalekto.

Sa tulong ng mga impormante naitala ang katumbas ng halos 400 batayang salita na gagamiting datos sa pagsusuri ng leksikal na pagkakatulad (lexical similarity) ng mga diyalekto ng Kalinga.

Nagrekord din ng mga kuwento na gagamitin sa Recorded Text Testing (RTT) upang masuri ang mutual intelligibility ng mga diyalekto. Gagamitin ang mga nakalap na datos sa pagsasapanahon ng mapa ng mga wika ng Pilipinas.

Pinangunahan ng mga mananaliksik ng (SLAL) na sina Evelyn E. PateΓ±o at Florencio M. Rabina, Jr. ang pangangalap ng datos.

Target na makapangalap ng datos sa iba pang diyalekto ng Kalinga sa Mayo 2025 at makapagsagawa ng balidasyon sa komunidad sa Hulyo 2025.