Calendar
๐๐ฃ๐ฆ๐ ๐๐ฎ ๐ฆ๐๐ฟ๐ถ๐ด๐ฎ๐ผ ๐ฑ๐ฒ๐น ๐ฆ๐๐ฟ ๐บ๐๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ฎ ๐ป๐ด 77 ๐ธ๐ผ๐ป๐ด๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐๐๐ฎ
๐๐๐ฆ๐๐๐ ๐๐๐ง๐ฌ – ๐ ๐๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ผ๐ป๐ด๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ป๐ด๐๐ป๐ฎ ๐ป๐ถ ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐ฆ๐ฝ๐ฒ๐ฎ๐ธ๐ฒ๐ฟ ๐๐ฒ๐ฟ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐๐ถ๐ป ๐๐ผ๐บ๐ฒ๐ ๐ฅ๐ผ๐บ๐๐ฎ๐น๐ฑ๐ฒ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ ๐๐ฎ๐ถ๐ฟ (๐๐ฃ๐ฆ๐) ๐ป๐ฎ ๐ถ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ผ๐ ๐๐ฎ ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฆ๐๐ฟ๐ถ๐ด๐ฎ๐ผ ๐ฑ๐ฒ๐น ๐ฆ๐๐ฟ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ฏ๐ถ๐ป๐ด “๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ฎ๐ป” ๐ป๐ฎ ๐ถ๐ป๐ถ๐น๐๐ป๐๐ฎ๐ฑ ๐ธ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ง๐ฎ๐ด๐๐บ ๐๐ถ๐๐, ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ผ ๐ฑ๐ฒ๐น ๐ก๐ผ๐ฟ๐๐ฒ.
Bilang pagpapakita ng kanilang solidong suporta para sa BPSF na inilunsad ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., tinatayang 77 miyembro ng Kamara de Representantes ang nagtungo at muling nagpamalas ng kanilang “show of force” sa idinaos na “Serbisyo Caravan” ngayong Biyernes (June 21) sa Bislig City, Surigao del Sur na pinangunahan ni Speaker Romualdez.
Dahil dito, malugod na ipinahayag ni Speaker Romualdez ang kaniyang lubos na kagalakan makaraang muling makitang “full force” ang mga kongresista sa pagdalo nila sa BPSF sa Bislig City na malinaw na testamento ng kanilang nagkakaisang suporta patungkol sa isinusulong na programa ni President Marcos, Jr. upang maiangat ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga mahihirap na mamamayan.
“I can speak for each amd every one of the lawmakers who were present in the Surigao del Sur BPSF that we are all in awe of how much this revolutionary program is helping our citizens in so many ways,” sabi ni Speaker Romualdez sa ginanap na BPSF sa Bislig City.
Sa nasabing kaganapan, binigyang diin ng House Speaker na ang bawat pisong inilalaan ng Kamara de Representantes para sa mga programang isinusulong gobyerno ay direktang nakakatulong aniya sa mga mamamayan.
“Nakikita namin kung papaanong ang bawat pisong aming inilalaan sa bawat programa ng pamahalaan ay direktang nakakatulong sa ating mga mamamayan. Kaya sa susunod naming pagbabalangkas ng national budget ng bansa. Lubos namin nauunawaan ang bawat numerong aming pinag-uusapan sa Kongreso,” paliwanag pa ng House Speaker.
Kabilang sa mga kongresistang dumalo sa BPSF na idinaos sa Bislig City ay sina Congressmen Robert Ace “Alas” S. Barbers ng Surigao del Norte, Rolando “CRV” M. Valeriano ng Manila, Joel Chua ng Manila at marami pang iba.