Cong. Mujiv Hataman

𝗛𝗮𝘁𝗮𝗺𝗮𝗻, 𝘂𝗺𝗮𝗮𝗽𝗲𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗗𝗢𝗘, 𝗡𝗔𝗣𝗢𝗖𝗢𝗥 𝗮𝘁 𝗡𝗘𝗔 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝘄𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝗯𝗹𝗲𝗺𝗮 𝗻𝗴 𝗯𝗿𝗼𝘄𝗻𝗼𝘂𝘁 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗮𝗻

Mar Rodriguez Jul 20, 2024
133 Views

NANAWAGAN 𝘀𝗶 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗗𝗲𝗽𝘂𝘁𝘆 𝗠𝗶𝗻𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗟𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿 𝗮𝘁 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗮𝗻 𝗟𝗼𝗻𝗲 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗠𝘂𝗷𝗶𝘃 𝗦. 𝗛𝗮𝘁𝗮𝗺𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗘𝗻𝗲𝗿𝗴𝘆 (𝗗𝗢𝗘), 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗣𝗼𝘄𝗲𝗿 𝗖𝗼𝗿𝗽𝗼𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗡𝗔𝗣𝗢𝗖𝗢𝗥) 𝗮𝘁 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝗹𝗲𝗰𝘁𝗿𝗶𝗳𝗶𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗡𝗘𝗔) 𝗻𝗮 𝗿𝗲𝘀𝗼𝗹𝗯𝗮𝗵𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 problema ng kuryente sa Basilan.

Ipinaliwanag ni Hataman na nakakabayad naman ng utang ang Basilang Electric Cooperative (BASELCO) subalit napakalaki naman aniya ng interes na ipinapataw kaya bunsod nito ay apektado rin ang ibinibigay na serbisyo ng BASELCO sa pamamagitan ng napakahina o hindi maayos na supply ng kuryente.

Iminumungkahi ng kongresista na baka puwede aniyang hilingin sa DOE na ilagay sa national budget proposal nito sa mga susunod na taon ang paglalaan ng malaking pondo para sa total rehabilitation ng BASELCO upang mas mapabuti ang pagsu-supply nito ng kuryente.

Sabi ni Hataman, kabilang sa mga kinakailangang pagkagastusan para maisa-ayos ang serbisyo ng BASELCO ay ang pambili ng mga metro, pambili ng mga transformer, pagpapagawa ng mga sirang planta at iba pang mga pangangailangan ng nasabing electric company.

“Baka puwede natin hilingin sa DOE na ilagay sa national budget proposal nila ang buong pondo nila para sa rehabilitation ng BASELCO,” sabi ni Hataman.

Ayon pa Muslim solon, makakatulong ng malaki kung isa-isangtabi muna ang pagbabayad ng BASELCO ng interes para makabangon o maka-recover ang BASELCO. Kasunod na nito ang pagkakaroon ng maayos na supply ng kuyente sa lalawigan.

To God be the Glory