COMELEC

1.2M bagong botante nagparehistro—Comelec

214 Views

MAHIGIT 1.2 milyong bagong botante na ang nakapagparehistro hanggang noong Hulyo 14 para sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon sa Commission on Elections (Comelec) sa bilang na ito 761,684 ang mga edad 15 hanggang 17 taong gulang, 383,836 ang edad 18 hanggang 30-anyos, at 64,368 ang edad 31 pataas.

Binuksan ng Comelec ang pagpaparehistro ng mga bagong botante noong Hulyo 4 at magtatapos ito sa Hulyo 23.

Mayroon namang natanggap na 202,707 aplikasyon ang Comelec para sa paglilipat ng munisipyo o lungsod na pinagbobotohan.

May 51,677 aplikasyon naman para sa paglipat ng barangay.

Mayroon namang 55,643 na naghain ng aplikasyon para sa reactivation o para muling makaboto matapos na maalis ang kanilang pangalan dahil dalawang beses na magkasunod na hindi nakaboto.