Sec. Maria Christina Garcia Frasco

1.2M int’l tourists arrivals ngayong taon, nasungkit ng Pilipinas — Frasco

Mar Rodriguez Mar 14, 2024
176 Views

House RepresentativeMALUGOD na inihayag ni Department of Tourism (DOT) Sec. Maria Christina Garcia Frasco ang patuloy na “pag-arangkada” ng turismo ng Pilipinas makaraang umabot sa 1.2 million ang bilang ng international tourists arrival ngayong 2024 sa loob lamang ng nakalipas na dalawang buwan.

Inihayag ni Frasco ang nasabing balitang sa Philippine Pavillion sa okasyon ng Internationale Tourismus-Borse (ITB) 2024 na ginanap sa Berlin, Germany. Kung saan, nasungkit ng Pilipinas ang 1.2 million international tourists arrivals na “objective” ni President Bongbong R. Marcos, Jr.

Sinabi ni Frasco na ang impresibong tourist arrivals ngayong taon ay resulta aniya ng patuloy na pagsisikap at pagiging masigasig ng mga “Philippine sellers” na mapabuti ang Philippine tourism sa pamamagitan ng panghihikayat sa mga dayuhang turista na
bumisita o kaya ay magbakasyon sa bansa.

“I would like to express my profound gratitude first to all our Phillippine sellers who continue to champion Philippine tourism. As of today (March 05). The Philippines has received over 1.2 million international visitors, a robust indication of the future of Philippine tourism,” sabi ni Frasco.

Dahil dito, ikinagalak naman ng Chairman ng House Committee on Tourism na si Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona ang kahanga-hangang resulta ng tourist arrivals ngayong 2024 na ipinapalagay nitong bunga ng sipag at tiayaga ni Frasco bilang Kalihim ng DOT.

Muling sinabi ni Madrona na hindi matatawaran ang husay, galing at talino ni Frasco sa paghawak nito sa Tourism Department. Sapagkat bilang Kalihim, ipinakita ni Frasco kung gaano siya kahusay bilang isang “sales lady” ng Philippine tourism na makikita mismo sa mga datos.

Ayon kay Madrona, ang sistema ng pagta-trabaho ni Frasco ay hindi lamang nakatutok sa mga “paper works”. Bagkos, siya ay isang “action lady” na kumikilos para mai-alok ang turismo ng bansa sa mga dayuhan.