BI suportado kampanya vs POGOs
Feb 23, 2025
Mag-jowa wiz visible sa socmed mga ganap
Feb 23, 2025
Nagyayang mag-sex sa 2 bebot dedo sa kadyot
Feb 23, 2025
Calendar

Nation
1.3M benepisyaryo tanggal sa 4Ps
Peoples Taliba Editor
Jul 19, 2022
243
Views
MAHIGIT 1.3 milyong benepisyaryo umano ang aalisin ng Department of Social Welfare and Development sa listahan ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) dahil hindi na mahirap ang mga ito.
Ito ang sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles matapos mag-report si DSWD Secretary Erwin Tulfo sa Gabinete sa isinagawang pagpupulong sa Malacañang.
Aabot umano sa P15 bilyon ang halaga ng ayuda na maililipat sa mas nangangailangan.
Ayon kay Cruz-Angeles nagsasagawa ng validation ang DSWD bago alisin ang mga pangalan ng mga 4Ps beneficiaries.
Nagulat naman umano si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nang malaman kung gaano karami ang dapat na alisin sa listahan ng 4Ps.
Suportado umano ni Marcos ang hakbang ng DSWD na linisin ang listahan.
Panawan ng caucus sa Senado tinanggihan
Feb 23, 2025