Basura

1.400 metriko toneladang basura nahakot sa Manila

Edd Reyes Jan 2, 2026
353 Views

MAHIGIT 1.400 metriko-toneladang basura ang nahakot sa Maynila na naiwan sa pagsalubong sa Bagong Taon, ayon sa Manila Public Information Office (MPIO).

Sinabi ng MPIO na nasa 1.405 metriko toneladang basura ang nahakot sa Maynila hanggang alas-11:00 ng umaga noong Enero 2, 2026.

Karamihan sa nahakot mga bahagi ng mga pinaputok na firecrackers at mga basura sa kabahayan.

Bukod sa 213 na truck ng Leonel Waste Management Corporation, inatasan din ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang Department of Public Service (DPS) na tumulong sa paghahakot ng tone-toneladang basura.

Umabot sa 18 truck ng DPS ang ipinakalat sa Maynila na nakapaghakot ng 66 na metriko toneladang basura habang 1,339 metriko toneladang basura naman ang naikarga sa mga truck ng Leonel.

Sinabi ni Mayor Isko Moreno na magpapatuloy ang pagtulong ng DPS sa Leonel sa paghahakot ng basura, lalu na’t may mga maliliit ng kalsada sa lungsod ang may naipon pa ring mga basura na hindi nahahakot.