1 dedo, 3 duguan sa karambola ng sasakyan sa Nueva Ecija 

93 Views
PATAY ang tatlong tao kabilang ang dalawang sundalo habang kritikal naman ang isa pa sa karambola ng tatlong sasakyan nitong Lunes sa Emilio Vergara highway sa Cabanuan City, Nueva Ecija.

Kabilang sa mga nasawi sina Rainheart Christian Jose Panit, at Joel Villanueva Y Javar at driver ng tricycle.

Batay sa ulat ng PNP, lulan ang mga biktima ng isang Kawasaki tricycle papuntang Norte nang mabangga sa likurang bahagi ng kasunod na Toyota Innova.

Sa lakas ng pagkakabundol sa tricycle ay nawalan ng kontrol ang driver nito dahilan upang makabig nito ang manibela  patungo sa kabilang linya ng highway kung saan sumalpok ito sa kasalubong na Isuzu tanker truck.

Naisugod pa ang mga biktima sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival ang  tatlo sa mga ito habang nasa kritikal na kalagayan naman si Cain Correche.

Sasampahan naman ng kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide , physical injuries at damage to property  ang driver ng truck at innova.

Patuloy ang imbestigasyon sa aksidente.