Parol

1 patay, 1 inoobserbahan matapos makuryente habang nagkakabit ng parol

534 Views

NASAWI ang 32-anyos na empleyado ng Quezon City Hall na bahagi ng street lighting tasked force habang inoobserbahan naman sa ospital ang kasamahan, matapos makuryente habang nagkakabit ng mga parol sa kalsada ng lungsod.

Patuloy namang inooberbahan sa East Avenue Medical Center ang isa pang kasamahan ng nasawi.

Ayon sa report alas 9:30 ng umaga noong Huwebes (November 13), nang maganap ang insidente sa kanto ng Mindanao Ave., at Road 16, Brgy. Bagong Pagasa, Quezon City

Ang mga biktima umano ay kapwa empleyado ng Quezon City Hall at bahagi ng street lighting tasked force ay naglalagay ng mga streetlight sa Mindanao Avenue sa lungsod..

Habang ikinakabit ng mga biktima ang parol sa poste ay aksidenteng nadikit sa mataas na boltahe na kuryente at kapwa nangisay saka nawalan ng malay.

Agad namang isinugod ang mga biktima sa East Avenue Medical Center subalit idineklara nang dead on arrival si De Mesa ni Dr. Lourien Chelsea Bañaga.