Patay Nilalapatan ng mga operatiba ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga sinalpok ng big bike na nasunog sa Taft Avenue corner Remedios St., Manila. Kuha ni JonJon Reyes

1 utas, 1 sugatan sa rumaragasang big bike na nasunog

Jon-jon Reyes Jan 23, 2025
15 Views

Patay1HINDI na umabot ng buhay sa Philippine General Hospital (PGH) ang babaeng nasalpok ng bike big na nagliyab pa habang inoobserbahan ang kasama niyang tumatawid na babae din at ang rider.

Nangyari ang pagsalpok sa Taft Avenue corner Remedios St., Malate, Manila noong Miyerkules bandang alas-7:40 ng umaga.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at physical injuries ang rider na si alyas John Vic na ginagamot din sa pagamutan matapos salpukin ang dalawang babae na tumatawid.

Makikita sa CCTV footage ang pagtawid ng dalawang babae sa pedestrian lane at tila napapahinto pa ang dalawa dahil sa mga dumadaang motorista,

Subalit halos naka lagpas na sa gitna ang mga biktima ng biglang sumulpot ang rider na lulan ng big bike at natumbok ang 2 babaeng tumatawid.

Tumilapon ang dalawang bebot ng ilang metro mula sa pedestrian lane ganun din ang rider mula sa kanyang motorsiklo at habang dumadausdos ang motorsiklo nagliyab pa.