P1M tinangay ng 3 holdaper sa courier company
May 7, 2025
ATeacher Partylist: Mga trapo ‘wag iboto
May 7, 2025
Calendar

Metro
1 utas sa inuman na nauwi sa tarakan
Jon-jon Reyes
Jan 13, 2025
148
Views
HINDI na umabot ng buhay sa ospital ang binatang tinarakan ng patalim sa dibdib ng tiyuhin niya habang nakikipag-inuman sa Lallana St., Brgy. 93, Tondo, Manila noong Sabado.
Ayon sa report ni Police Capt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, bandang alas-11:55 ng gabi ng maganap ang pananaksak sa biktimang si alyas Adrian.
Sa salaysay ng nakasaksing kamag anak ng biktima at suspek, habang nag-iinuman ang mga ito kasama ang biktima biglang sumulpot sa kanilang harapan ang suspek na may dalang patalim at walang pag-aalinlangang sinaksak ang biktima sa kaliwang dibdib nito.
Matapos ang insidente, pumunta pa ang suspek sa kanyang bahay dala ang armas na ginamit subalit natiklo ng mga awtoridad.
Rider sumemplang sa pagtakas, boga, bala buking
May 6, 2025
Rape suspek sa Caloocan, huli sa Paranaque
May 6, 2025
10 biktima ng human trafficking nailigtas
May 6, 2025
Isko, Atienza nagpasalamat sa pag-endorso ng INC
May 6, 2025