Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Boga

10 pasong lisensya na mga boga, isinuko

Steve A. Gosuico Mar 9, 2025
452 Views

CABANATUAN CITY–Sampung baril ang naisuko sa pinaigting na operasyon ng Nueva Ecija police laban sa mga loose firearms, ayon kay kay P/Col. Ferdinand Germino, hepe ng pulis ng lalawigan.

Sumunod sa isinasagawang “Oplan Katok” ang mga may-ari ng baril kaya isinuko ang mga sandata, ayon pa sa hepe ng pulisya.

Mananatili sa mga istasyon ng pulisya habang pinoproseso ang bagong lisensya ng mga baril.

Kabilang sa mga isinuko ang 12-gauge shotgun, cal. 45 at 9mm pistol sa Bongabon, dalawang cal. 45 pistol sa Guimba, isang cal. 45 pistol sa General Tinio, isang cal. 22 rifle sa Talavera at isang cal. 45 pistol sa Llanera, Aliaga at Pantabangan.

Ang pag-surrender ng mga loose firearms nangyari tatlong araw bago ang License To Own and Possess Firearm caravan at registration assistance sa Marso 11.

Inimbitahan ni Germino ang mga gunholder na gamitin ang pagkakataong mag-renew ng kanilang mga lisensya ng baril.