Calendar
Source: PRO12
10 pauwi mula kasalan pinaglalamayan; nahulog sa bangin dump truck na sinakyan
SAMPU ang patay habang 23 iba pa ang nasugatan matapos na mahulog sa bangin ang sinasakyang dump truck nitong Miyerkules ng hapon sa Highway 70, Sitiuo Platacan, Christianuevo, Lebak, Sultan Kudarat.
Nakilala ang walo sa mga biktima na sina Tods Mamintal, Tayer Naka, Babylyn Sahipa, Aling Sahipa, Muhammad Digan, Muhammad Macarimbang, Ramon Manoo at Abdula Moner.
Kabilang sa mga nasugatan sina Sadidamin Omar, Wambos Uteng, Musib Nakan, Bens Takpan, Ayreen Tacpan, Haya Matabalao, Ibrahim Ambolodto, Johair Omar, Alvin Adam, Arbaina Ambolodto, Morsalin Degan, Haya Bansalan, Samsudin Ambolodto at Bibi Tacpan.
Batay sa ulat ng PNP, naganap ang aksidente dakong 5:30 ng hapon kung saan papauwi na sana ang mga biktima galing sa isang kasalan.
Sa inisyal na ulat, nawalan ng preno ang sasakyan habang binabaybay ang padausdos na kalsada kaya’t nahulog ito sa bangin.
Dead on the spot ang sampong biktima kabilang ang dalawang bata.
Nitong Huwebes ng umaga ay inihatid na sa kanilang huling hantungan sa Barangay Senditan ang mga nasawing biktima habang nanatili naman sa pagamutan ang 23 iba pang nasugatan.
Patuloy ang imbestigasyon sa aksidente.

