Bersamin

10 prayoridad na panukala tatapusin ng Kongreso hanggang Hunyo 2

192 Views

Tatapusin ng Kongreso ang 10 prayoridad na panukala ng administrasyong Marcos hanggang sa Hunyo 2.

Ito ang napagkasunduan sa isinagawang Executive Committee Meeting of the Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) sa Malacañang noong Lunes, ang kauna-unahang pagpupulong nito ngayong taon.

Ang 10 panukala ay ang sumusunod:

– Amyenda sa Build-Operate-Transfer (BOT) Law/Public-Private Partnership (PPP) law

– Medical Reserve Corps,

– Philippine Center for Disease Prevention and Control,

– pagtatayo ng Virology Institute of the Philippines,

– Mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC)

– Condonation of Unpaid Amortization and Interests of Loans of Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs),

– Internet Transactions Act/E-Commerce Law,

– Maharlika bill, Attrition law,

– AFP Fixed Term, at

– Salt Industry Development Bill

Pinangunahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang pagpupulong sa Premier Guest House ng Malacañang kasama sina Senate President Juan Miguel F. Zubiri, House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, at Socioeconomic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan.

Dumalo rin sa pagpupulong ang iba pang miyembro ng Gabinete, mga senador, at kongresista.