Calendar

10 taon nagtago huli sa rape with illegal detention
NATAPOS na ang isang dekadang pagtatago ng suspek sa serious illegal detention with rape nang mahuli sa tinutuluyang lugar noong Lunes sa Caloocan City.
Isinilbi ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) acting director P/Col. Josefino Ligan kay alyas Raven, 47, ang warrant of arrest kaugnay sa kinakaharap na kasong serious illegal detention with rape sa Rizal Avenue Ext., Brgy. 90, Caloocan City alas-6:25 ng gabi.
Inatasan ni Ligan si P/Col. Renante Pinuela, Force Commander ng Intelligence Section ng District Mobile Force Battalion (DMFB) ng NPD, na pangunahan ang pagdakip sa akusado.
Walang piyansang inilaan ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng akusado na ikinulong muna sa Custodial Facility Unit ng NPD habang hinihintay ang utos ng korte para sa paglilipat sa kanya sa Valenzuela City Jail.