ASF Source: DA FB page

10K dose ng ASF bakuna gagamitin sa mga farm na apektado ng ASF

Cory Martinez Sep 19, 2024
87 Views

INAASAHANG aabot sa 1,500 na baboy ang mababakunahan ng African Swine Fever (ASF) vaccine bago matapos ang Setyembre, ayon kay Agriculture Assistant Secretary for Swine and Poultry Dr. Constantine Palabrica.

Ayon kay Palabrica, may 10,000 dozes ng bakuna ang gagamitin sa mga animal farm na apektado ng ASF.

Dagdag pa ni Palabrica na ang 10,000 dozes na bakuna bahagi ng 600,000 bakunang binili ng gobyerno.

Dumating na rin ang 150,000 na bakuna samantalang ang balanse sa naturang kabuuang bakuna na binili darating kada dalawang buwan.

Iniulat din ng opisyal na ang 29 na baboy na unang binakunahan noong nakaraang dalawang sa Batangas nag-produce ng antibody samantalang anim sa 12 baboy na binakunahan mula sa isa pang farm namatay dahil nagpositibo ang sa ASF.

Ang natitirang anim sa mga ito nananatiling malusog at nakapagproduce na rin ng antibody.

Paliwanag ni Palabrica na ang maganda ang biosecurity ng farm na kung saan inaalagaan ang 29 na baboy kaya buhay lahat samantalang may pagkukulang sa biosecurity sa farm ng 12 baboy.

Ayon kay Palabrica, hindi maaaring madaliin ang pagbabakuna sa mga baboy dahil meron silang sinusunod na panuntunan.

Ito ang naging tugon ng opisyal sa panawagan ng mga negosyante ng baboy na madaliin ang pagbabakuna upang masawata ang pagkalat pa ng ASF virus.

Sinabi ni Palabrica, merong kolatilya yung binigay na permit sa kanila ng Food and Drug Administration (FDA) na kung saan kailangan makita nila kung may pagbabago sa anyo ng bakuna kapag ibinakuna na sa baboy.

“Yan ang dahilan kung bakit hinihinay-hinay natin pero kapag maayos ito, atin nang raratratin ang pagbabakuna.

Maingat na maingat ang Bureau of Animal Industry (BAI) dito kaya kahit gustong madaliin nila hindi namin minamadali itong pagbabakunang ito,” binigyang-diin ni Palabrica.

Kinumpirma din ni Palabrica ang pahayag ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na hindi pa naaprubahan ng World Organisation for Animal Health (WOAH) ang ASF vaccine subalit sinabi nito na mayroong opinyon na lumabas sa WOAH na nagsasabi na dapat balansehin ang risk versus benefits.