Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Calendar
Ilan sa mga magsasaka mula sa Kananga, Leyte na sasailalim sa KSK Farming Program.
Provincial
120 magsasaka kabilang sa KSK Farming Program ng SM Foundation sa Leyte
Peoples Taliba Editor
Jun 3, 2025
500
Views

ISANG daan at dalawampung magsasaka ang kabilang sa bagong batch ng Kabalikat sa Kabuhayan (KSK) Farming Program ng SM Foundation sa Leyte.
Sila ay sasailalim sa 14-linggong training na nakatuon sa modernong paraan ng pagsasaka, pagtatanim ng high-value crops, at mga kaalaman sa pagnegosyo. Kabilang din dito ang values formation na hango sa buhay ni Henry Sy, Sr.
Layunin ng programa na palakasin ang kakayahan ng mga magsasaka at bigyan sila ng access sa merkado sa tulong ng suporta ng SM Group.
Katuwang ng SM Foundation sa programa ang SM Supermalls, SM Markets, at iba pang social good partners. Nagsimula ang KSK noong 2007. Simula noon, mahigit 32,000 na ang nagtapos sa nasabing programa.
Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Landslide sa Sarangani, 10 nasawi
Jul 10, 2026

