Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

12K displaced sugarcane workers, ihihingi ng tulong ni Speaker Romualdez sa DSWD,

182 Views

MISMONG si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ang nangako na personal niyang ihihingi ng tulong sa mga ahensya ng gobyerno, tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE), ang may 12,000 sugarcane workers na natuklasan niyang nawalan ng trabaho sa Batangas.

Ayon kay Romualdez, kakausapin niya ang mga pinuno ng mga naturang ahensiya ng pamahalaan upang mabigyan ng tulong pangkabuhayan at panggastos para sa pang-araw-araw na pangangailangan ang mga naturang manggagawa.

“Kakausapin ko ang mga head ng mga agencies na ito na magbigay ng financial assistance for their livelihood at pang-araw araw na pangangailangan,” anang mambabatas mula sa Leyte.

Dagdag pa ni Romualdez, “December pa pala sila walang kinikita matapos biglang magsara ang Central Azucarera Don Pedro doon. Kaya kailangang-kailangan na nila ng tulong para sa kanilang mga pamilya.”

Una nang pinasalamatan ni Speaker Romualdez ang mga nasabing magsasaka dahil sa walang kapaguran nilang pagtatrabaho kaya nananatiling steady ang suplay ng pagkain sa bansa.

“Kailangan nating mapabuti ang kalagayan ng ating mga magsasaka sa tubuhan at matiyak ang sapat na suplay ng asukal sa bansa,” ayon pa sa pinuno ng Kongreso.

“Its high time that we need to help them dahil kailangan nila ng tulong natin. And I promise to personally help them,” aniya pa.

Matatandaang ang DSWD ay may ipinamimigay na Assistance for Individual in Crisis Situation (AICS) hanggang P5,000 bawat isang pamilya habang ang DOLE naman ay may Tulong Panghanap buhay sa ating Displaced Workers (TUPAD) na umaabot din sa P5,000 bawat manggagawa.