Zamora Nagbigay ng update si House Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong’ Gabonada (kanan) ukol sa 24 trucks nagdala ng P750 million relief goods para sa 150,000 beneficiaries sa Camarines Norte, Camarines Sur, at Albay. Nasa press conference din na ginanap sa Kamara de Representantes Martes ng umaga sina Manila 3rd District Rep. Joel Chua (left) at Assistant Majority Leader atTaguig 2nd District Rep. Amparo Maria Zamora. Kuha ni VER NOVENO

13 lalawigan nakatakdang bisitahin ng BPSF ni PBBM sa unang quarter n 2025

Mar Rodriguez Nov 19, 2024
73 Views

LABINGTATLONG lalawigan ang nakatakdang bisitahin ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., ang pinakamalaking serbisyo at convergence caravan ng bansa sa unang quarter ng 2025 upang direktang dalhin ang mahahalagang serbisyo ng gobyerno sa mga komunidad sa buong Pilipinas.

Sa press briefing sa Kamara noong Martes, inihayag ni Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” P. Gabonada ang nakatakdang schedule ng BPSF, kung saan ang serbisyo caravan sa Samar na gaganapin ngayong linggo ang huli para sa taong ito.

“We have Albay, Sorsogon, Camiguin, Quezon, La Union, Tarlac, Pangasinan, Nueva Ecija, Davao Oriental, North Cotabato, Misamis Occidental, Bohol and Aklan lined up for the first quarter of next year,” ayon kay Gabonada.

Layunin ng BPSF na magbigay ng iba’t-ibang serbisyo ng gobyerno, kabilang ang tulong pinansyal, mga programang pangkalusugan, suporta sa pabahay, emergency employment, at mga clearance mula sa iba’t ibang ahensya at departamento ng pamahalaan.

Binigyang-diin ni Gabonada ang mas malawak na layunin ng programa. “We are targeting two-thirds of the provinces of the entire country will be served through BPSF.”

Ayon pa kay Gabonada nais ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ang pangunahing tagapagtaguyod ng serbisyo fair, na gawing isang mahalagang plataporma ang BPSF upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga komunidad na apektado ng kalamidad.

Sinabi pa ni Gabonada ang direktiba ni Speaker Romualdez na palawakin ang mga serbisyo sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

“The Speaker, Speaker Martin Romualdez, has an instruction already in response to the call of the President na buhusan ng serbisyo iyung mga nasalanta din ng bagyo or various typhoons na dumaan,” saad nito.

Ang mga susunod na serbisyo fair ay hindi lamang tututok sa pamamahagi ng tulong, kundi pati na rin sa mga pangmatagalang pangangailangan para sa pagbangon mula sa epekto ng kalamidad.

“Hindi lamang relief ang kailangan nila. Kailangan nilang i-rebuild iyung bahay nila, kailangan nila ng emergency employment, kailangang matingnan iyung kalagayan ng kalusugan nila, kung may iba pa silang pangangailangan ay dapat naduon iyung full government approach para mas madali silang makabangon,” diin pa ni Gabonada.

Sinabi rin niya na nakapagbigay na ang BPSF ng kinakailangang tulong sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.

“We have been allocated P850 million already. Para sa cash assistance to 170,000 families affected in the Bicol region,” ayon pa kay Gabonada. Dagdag pa niya, nagsimula ang pamamahagi ng tulong noong Nobyembre 13 at nagpapatuloy araw-araw upang matulungan ang lahat ng benepisyaryo.

Bilang karagdagan sa tulong pinansyal, naghatid ang gobyerno ng mahahalagang suplay sa mga apektadong komunidad.

“Masaya po kaming i-announce sa inyo na duon sa 24 trucks na hinatid natin sa Bicol, mostly po nun ay bigas. That’s around 650,000 kilos of rice ang ipamamahagi natin,” saad pa nito, kung saan kabilang din sa mga ioinmahagi ang mga gamit tulad ng damit at de-latang pagkain.

Pinuri naman ni Gabonada ang pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno at mga private partners sa pagbibigay ng mga materyales para sa pagtatayo ng mga bahay at sa muling pagbabalik ng kuryente sa mga lugar na tinamaan ng bagyo.

“Ang NHA together with private partners nila … ay magko-consolidate sila para makabuo ng mga materials, construction materials para maibigay duon sa rebuilding ng houses ng mga nawalan talaga ng bahay,” ayon pa rito.

Binanggit din ng Deputy Secretary General ang nalalapit na BPSF sa Samar, na magsisilbing huling event para sa 2024.

“We are expecting to cater to hundred thousand families for cash assistance. We are targeting around 180,000 beneficiaries across all programs and services,” ayon pa sa pahayag ni Gabonada, kung saan inaasahan aniyag aabot sa kalahating bilyong piso ang halaga ng mga programa at serbisyo.

Para sa mga BPSF ng 2025i, tinukoy ni Gabonada ang mga partkular na serbisyong ibibigay sa mga lugar na napinsala ng kalamidad.

“Sa Albay, it’s a mini BPSF. Medyo yung tinap natin dun yung relevant agencies that can provide rehabilitation to our affected areas kagaya ng DOLE for the emergency employment, DOH for the health programs,” saad pa nito.

Habang ang event sa Samar, mayroon ding mga serbisyo tulad ng pagkuha ng pasaporte, clearance, scholarship, at mga livelihood programs.

“Hopefully we are praying… na sana hindi na masundan [ng bagyo], at kung meron man ay hindi ganun ka destructive,” ayon kay Gabonada.