PSL Dumper Cup Nagpahayag ng kumpiyansaang mga Pilipinas Super League officials, sa pangunguna nina President Rocky Chan, Vice President Ray Alao, Commissioner Marc Pingris at Operations Head Leo Isaac sa darating na PSL Dumper Cup tournament. Photo courtesy of PSL Facebook page

14 teams kalahok sa PSL Dumper Cup

Robert Andaya Nov 19, 2022
375 Views

MAS malaki, mas maganda at mas kapanapanabik ang aksyon sa Pilipinas Super League (PSL), na hahataw simula Miyerkules, Nov. 23 sa Smart Araneta Coliseum.

Tatawaging PSL Dumper Cup, ang kumpetisyon na itinataguyod ng Dumper party-list at Winzer, ay lahukan ng 14 teams sa pangunguna ng defending champion Davao Occidental Tigers at newcomer Boracay Islanders.

“When we started the first conference, we held it in Zamboanga and was a bubble tournament. The teams stayed there for almost two months. This time around, medyo maluwag na and we will do it here in Luzon so the games will be moving from different places,” pahayag.ni PSL President Rocky Chan sa nakalipas na media launch sa Gloria Maris Shark’s Fin Restaurant sa San Juan.

“Mas maganda at mas malaki (second conference). Ang mga teams, mas malalakas ngayon at nagulat nga kami dahil lahat ng teams namin nakakuha ng mga quality players,” dagdag naman ni PSL Vice President Ray Alao.

Nakasama nina Chan at Alao sa nasabing press conference sina PBA legend at Gilas Pilipinas great Marc Pingris at PSL Operations head Leo Isaac.

Bukod sa Davao at Boracay, ang iba pang mga kalahok na teams ay ang Nueva Ecija Slashers, ARS Warriors, Batang Kankaloo, Cagayan de Oro-PSP, Homelab Nation Manila, Quezon City

Beacons, Muntinlupa, Sta. Rosa Laguna Lions, Bicol Spicy Oragons, Pampanga Giant Lanterns, Lakan-Bulacan at Pampanga Royce.

Mapapanood sa opening day sa Big Dome ang Davao at Boracay simula 6 p.m. at Sta. Rosa Laguna Lions at Cagayan De Oro–PSP sa 8 p.m.

Umaasa si PSL CEO at Santa Maria, Davao Occidental Mayor Claude Benjamin “Dinko” Bautista II na mapantayan, kundi man mahigitan, ng liga ang tagumpay nito sa unang conference

“I’m elated for the upcoming season, starting this on November 23. We have a great group of people running the league, making sure everything is on top from the executives all the way through the referees and barkers.” dugtong ni Bautista.

“But what I’m most excited about is the level of competition. This season, fans can expect the competition to be much tougher this time around.”

“From star-studded Boracay and Davao, to the grittier teams of Bicol and Pampanga, better competition brings out better basketball, and all I can say about better basketball is that the fans would enjoy even more.”

Inanunsyo naman ni Isaac ang tournament format na single-round elimination, na ang top four teams ay magkskamit ng twice-to-beat incentives sa the quarterfinals.

Ang crossover semifinals at championship ay kapwa best-of-three affair, ayon pa kay Isaac.