Student Ang pinangyarihan ng insidente

16-anyos na lalaki bali-bali buto matapos mahulog sa 7th floor

Edd Reyes Sep 19, 2024
8 Views

DEDO at bali-bali ang buto ng 16-anyos na lalaking estudyante nang tumalon mula sa 7th floor ng tenement building noong Miyerkules sa Taguig City.

Residente ng Sampaguita St.at Grade 12 student ng Western Bicutan National High School sa Brgy. Pinagsama ang biktimang si alyas Mermar, ayon sa report.

Nalaman ang sinapit ng binatilyo ng isang residente dakong alas-7:30 ng gabi nang makita itong duguang nakahandusay sa parking lot ng tenement building sa Western Bicutan.

Sa report na tinanggap ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Leon Victor Rosete, nakabisikletang nagtungo sa tenement building ang binatilyo at umakyat patungo sa ika-pitong palapag kung saan niya ipinarada ang kanyang bisikleta.

Huling nakitang buhay ang biktima na may kausap sa cellular phone na tila balisa at hindi mapakali.

Sasailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima, ayon sa pulis.