Poa

164 public schools napinsala ng lindol

275 Views

Umabot sa 164 pampublikong paaralan ang napinsala ng magnitude 7.0 lindol, ayon sa Department of Education (DepEd).

Sinabi ni DepEd Spokesperson Michael Poa na inaashanag aabot sa P940 milyon ang kakailanganing pondo para sa pagpapagawa ng mga nasira ng lindol.

Pinag-aaralan pa rin umano ng DepEd kung kakailanganin na ipagpaliban ang nakatakdang pagbubukas ng klase sa Agosto 22 sa mga lugar na nasalanta.

“Wala pa pong desisyon or anunsiyo sa pagpapa-delay ng start ng classes para diyan sa mga apektado ng ating lindol kahapon. We are still continuously monitoring the situation sa field,” sabi ni Poa sa isang panayam sa radyo.

Ikinokonsidera rin umano ang pagtatayo ng mga pansamantalang learning area o makeshift classroom.