19 low-level phreatomagmatic activity naitala sa Taal

168 Views

NAKAPAGTALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 19 na low-level phreatomagmatic activity sa bulkang Taal mula ala-8:50 ng umaga hanggang 1:30 ng hapon ngayong Biyernes, Oktobre 21.

Ayon sa PHIVOLCS na-detect ng remote camera monitoring ang naturang aktibidad sa Taal Main Crater.

Ilan umano sa pagsabog ay lumikha ng hanggang 200 metrong taas na usok.

Ipinaalala ng PHIVOLCS na nananatili ang Alert Level 1 sa Taal Volcano.