Martin

19 opisyal ng Albay nanumpa sa Lakas-CMD

140 Views

NANUMPA bilang miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) na pinamumunuan ni Speaker Martin G. Romualdez ang 19 na opisyal ng Albay.

Pinangasiwaan ni Romualdez ang panunumpa ng mga lokal na opisyal sa isang simpleng seremonya. Ang Lakas-CMD ang pinakamalaking partido politikal sa Kongreso ngayon.

“We welcome our local government officials from Albay to our ranks. We are looking forward to having a productive engagement with them,” sabi ni Romualdez.

Ang siyam na alkalde na miyembro na ngayon ng Lakas-CMD ay sina Adrian Salceda ng bayan ng Polangui; Paul Garcia ng bayan ng Guinobatan; Wilfredo Maronilla ng Libon, Sharon Escoto ng Oas, Alan Arandia ng Pio Duran, Carlos Irwin Baldo Jr. ng Camalig, Carlwyn Baldo ng Daraga, Dick Galicia of Rapu Rapu, at Joseling Aguas ng Sto. Domingo.

Nanumpa rin ang mga Provincial Board Member na sina Jesus Salceda Jr., Juan Miguel Salceda, Dante Arandia, Victor Ziga Jr., Melissa Abadeza, at Eva Lopez Ribaya.

Ang mga konsehal ng Legazpi City na sina Roberto Lucila, Luis Gutierrez at Sunshine Imperial, at si Caroline Ziga-So ng Tabaco City ay nanumpa rin sa Lakas-CMD.

Dumalo sa oath taking sina House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” Dalipe, House Committee on Appropriations at Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Sarte Salceda, at dating Ako Bicol party-list Rep. Pido Garbin.