La Salle DLSU’s Xiandi Chua – anim na golds at apat na bagong UAAP records. UAAP photo

19-year swimming drought tinapos ng La Salle

Theodore Jurado Nov 28, 2022
338 Views

WINAKASAN ng La Salle ang 19-year drought sa women’s division habang inangkin ng Ateneo ang ikapitong sunod na men’s title sa UAAP swimming championships Linggo sa Teofilo Yldefonso Swimming Pool sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex.

Bumalik sa tuktok makaraang manalo ng dalawang sunod noong 2003, nagtala ang Lady Tankers ng four-day total na 418 points sa pangunguna ni Xiandi Chua.

Sa pamamagitan nina first-year swimmers Philip Santos, Rafael Barreto at Joshua Del Rio leading the way, nagsumite ang Blue Eagles ng 411 points upang makopo ang ikawalong korona sa kabuuan.

Kumulekta si Chua ng anim na golds, isang silver at isang bronze medal at gumawa ng apat na bagong UAAP records upang angkinin ang women’s MVP honors.

“The team, we were all very proud; we were all crying tears of joy, and really cheering our hearts out. So, we all felt like our hard work for the past months really paid off… and we’re very happy,” sabi ni Chua.

Kumuha rin ang La Salle, na nakamit ang ikalimang tiara sa kabuuan, ng lakas mula kay Southeast Asian Games gold medalist Chloe Isleta, na tinuldukan ang kanyang one-and-done stint count

sa pagsukbit ng dalawang golds sa huling araw sa 50-meter backstroke at 50-meter freestyle.

Pumangalawa ang University of the Philippines na may 382 points, habang kinumpleto ng Ateneo ang women’s podium na may 240 points.

Kuminang si Camille Buico para sa runner-up finish ng Fighting Maroons upang maiuwi ang Rookie of the Year honors, na kanyang tinuldukan sa pamamagitan ng golden performance sa 200-meter butterfly.

Kinapos ang La Salle sa pagkamit ng golden double nang nagkasya lamang ang kanilang men’s team sa pangalawa na may 374 points, habang ang UP ay may 284 points para sa pangatlong puwesto.

Kinuha ni Santos, ang Season 82 boys’ MVP, ang pinakamataas na individual honor ng liga, habang si Del Rio ang top rookie sa dominasyon ng Blue Eagles sa ool.

Kulelat sa women’s and men’s divisions, nagselebra pa rin ang UST matapos ang kanilang girls at boys teams ay nagkampeon sa high school makaraang talunin ang UP Integrated School at Ateneo, ayon sa pagkakasunod.