DOTr

190 metro na nabutas na tunnel para sa subway—DOTr

123 Views

UMABOT na umano sa 190 metro ang haba ng nahukay na tunnel mula sa Valenzuela Depot na bahagi ng itatayong Metro Manila Subway Project (MMSP), ang kauna-unahang subway sa bansa.

Layunin ng proyekto na pabilisin at maging maginhawa ang biyahe mula Valenzuela City patungong Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Mula sa kasalukuyang 1 oras at 30 minuto, magiging 41 minuto na lang ang byahe sa naturang ruta.

May kakayahan itong magsakay ng 519,000 na pasahero kada araw.

Inaasahang magiging fully operational ang subway sa 2029.