Center

1st anniv celebration ng Global Tech Center of Excellence pinangunahan ni PBBM

11 Views

Center1LIPA CITY–Dumalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Lunes sa pagdiriwang 1st anniversary ng Global Technical Center of Excellence sa 1,100-ektaryang LIMA Estate sa siyudad na ito.

Ang powerhouse facility ay resulta ng sanib-pwersa ng AboitizPower at ng higanteng kumpanya mula Japan na JERA.

Ininspeksyon ng Pangulo ang malawak na economic estate na tahanan ng 200 malalaking kumpanya.

Umabot na sa P128.9 bilyon ang kabuuang investment dito na nagbigay ng trabaho sa humigit-kumulang sa 75,000 Pinoys

Sinilip din ni Pangulong Marcos ang semiconductor manufacturing plant at ang Batangas State University–LIMA Campus na patuloy sa pagtulong sa mga skilled workers para sa lumalagong industriya sa rehiyon.

Ang LIMA Estate ay bahagi ng Aboitiz Economic Estates na may kabuuang 2,000 ektarya at 260 industrial locators.