Bachoy

2-anyos, patay sa kumukulong batchoy

Zaida Delos Reyes Aug 17, 2024
29 Views

TILA isinahog ng buhay sa sabaw ng batchoy ang dalawang-anyos na batang lalaki makaraang mahulog sa kaldero ng pinakukuluang pagkain sa Carles, Iloilo.

Batay sa ulat ng PNP, ang insidente ay naganap sa mismong bahay ng biktima na itinago sa pangalang Yuan sa Barangay Pantalan sa nasabing bayan.

Ayon kay Aling Rose Ann, hindi tunay na pangalan, dadalawa lamang sila ng kanyang anak sa bahay nang mangyari ang insidente dahil nasa eskwelahan ang mga kapatid ng biktima habang nasa trabaho naman ang kanyang asawa.

Aniya, nagluto siya ng batchoy na paninda at habang pinakukuluan niya ito ay saglit siyang pumasok sa bahay para ayusin ang ilang gamit.

Gayunman, laking gulat nito nang kanyang pagbalik ay nakita niyang nasa kaldero na ang anak na posibleng nahulog habang naglalaro.

Nagtamo ang biktima ng lapnos at paso mula sa dibdib at pababa ng katawan.

Naiusugod pa ang biktima sa sa ospital subalit dahil nasa isla ang kanilang bahay ay inabot ng halos isang oras ang biyahe kaya binawian din ng buhay ang biktima.

Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon sa insidente.