Calendar
2 bumaril sa bantay sa tindahan pinaghahanap
SUGATAN ang isang lalaking nagbabantay ng kanyang tindahan noong Martes matapos siyang pagbabarilin ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo sa San Ildefonso, Bulacan.
Sa ulat kay PRO3 director Brig. Gen. Ponce Regelio Penones Jr. kinilala ng Bulacan police ang biktima na si Ryan Nolasco, 46, may-ari ng tindahan at residente ng Purok 2, Bgy. Pala-pala, San Ildefonso, Bulacan.
Sa inisyal na pagsisiyasat, nakitang huminto sa harap ng tindahan ang dalawang lalaki na nakasuot ng helmet at itim na jacket na sakay ng plateless na motorsiklo at agad pinaputukan ang biktima bago tumakas ang mga ito patungo sa Bgy. Pinaod, San Ildefonso.
Isinugod ang biktima sa R. De. C. Galvez Medical Center habang inilunsad ang flash alarm sa mga kalapit na istasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakakilanlan ng dalawang suspek.

