Yedda Marie K. Romualdez

2 House panels sanib pwersa vs child trafficking

Mar Rodriguez Sep 20, 2023
136 Views

NAGSAMA ang House Committees on Accounts at on Welfare of Children upang ipalaganap ang kahalagahan na labanan ang child trafficking at hikayatin ang publiko na makiisa sa kampanyang ito sa pamamagitan ng pagpapalabas ng pelikulang “Sound of Freedom.

Ang pelikulang “Sound of Freedom,” ay batay sa tunay na istorya ni Tim Ballard, isang dating agent ng U.S. Department for Homeland Security na nagkasa ng mga operasyon upang mailigtas ang magkapatid na babae at lalaki na biktima ng human trafficking sa Colombia.

“Child trafficking is a global crisis that knows no borders, affecting millions of innocent lives each year. It is a brutal manifestation of greed, exploitation, and disregard for the most vulnerable among us,” ani Tingog Party List Rep. Yedda Marie K. Romualdez, chairperson ng Accounts committee.

Si Rep. Romualdez ay sinuportahan ng ng kanyang kapwa kinatawan ng Tingog na si Rep. Jude Acidre sa paglulungsad ng programa. “We firmly believe that it is our collective duty to protect our children and ensure that they grow up in an environment where their rights are upheld and their dreams are nurtured,” dagdag pa ni Rep. Romualdez.

Nakatuwang ng Tingog sa proyekto ang chairperson ng Committee on the Welfare of Children na si BWH Party List Rep. Angelica Natasha Co.

Ang naturang komite ay pinamunuan ni Rep. Romualdez noong 18th Congress. Nagbigay din ng donasyon ang Tingog sa apat na non-government organizations na kumakalinga sa mga bata, kabataan, at babaeng biktima ng trafficking, iba pang uri ng pang-aabuso, at pinabayaan.

Ang mga nakatanggap ng donasyon ay ang First Love International Ministries, Inc., Voice of the Free Foundation, Inc.-Center of Hope, St. Mary Euphrasia Integrated Development Foundation, Inc., at Sanghaya Foundation, Inc.

Sinuportahan din ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, lider ng Kamara na may 311 miyembro ang screening ng pelikula na ginanap sa Cinema 11 ng SM Megamall sa Mandaluyong City. Pinuri rin ni Speaker Romualdez ang dalawang komite sa kanilang programa at kampanya laban sa child trafficking.

“As a society, we must unite to break the chains of child trafficking and ensure a brighter future for our children. Together, we can build a world where every child can thrive, safe from the clutches of traffickers,” sabi ni Speaker Romualdez.

“Our collective action today will determine the course of countless young lives tomorrow,” dagdag pa ni Romualdez.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang special screening ay nagpapakita na kailangan pang palakasin ang batas upang mas mapaigting ang laban kontra human trafficking.

Ang “Sound of Freedom” ay itinuturing na isa sa pinaka matagumpay na independent film sa kasaysayan matapos itong kumita ng $210 milyon. Ito ay inilabas ng Angel Studios noong Hulyo 4, 2023 at ginastusan lamang ng $14.5 milyon.