Calendar
2 huli sa sugal, 1 sa boga sa Tondo
TATLO katao, kabilang ang dalawang babae, ang nakakulong ngayon ng arestuhin ng mga tauhan ng Moriones Police Station 2 ng Manila Police District (MPD) matapos maaktuhang nagsusugal ng cara y cruz habang ang isa natyempuhang may daang baril sa panulukan ng Jose Abad Santos Avenue at Araneta St., Brgy. 254, Tondo, Manila noong Martes.
Bukod sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition), nahaharap din ang suspek na si Norberto Ramirez sa kasong pagsusugal sa pampublikong lugar.
Binitbit din ng mga awtoridad ang dalawang babae.
Sa ulat ni Police Lieutenant Alvin Christopher Baybayan, commander ng MPD-Moriones Station 2, bandang alas-11:50 ng umaga ng bitbitin ang mga suspek habang nagsasagawa ng anti-criminality operation sa lugar.
Namataan ang tatlo na nag-uumpukan sa tabi ng bangketa at napag alaman na nagsusugal ang tatlo.
Nabulaga ang mga sugarol hanggang sa kinapkapan ang lalaki na armado ng pen gun na nababalutan sa puluhan na may bala ng 9mm.