Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Calendar
Provincial
2 kelot arestado sa indiscriminate firing
Jojo Cesar Magsombol
Jan 2, 2025
559
Views
DALAWANG lalaki noong Biyernes ang nasakote ng mga pulis dahil sa pagpapaputok ng baril sa Sitio Capuz, Brgy. San Rafael, Sto. Tomas City, Batangas.
Dinampot sina alyas Julius, 27, at alyas Zaldy, 47, ilang minuto matapos may mag-report sa pagpuputok nila ng baril bandang alas-8:45 ng gabi, ayon sa pulisya.
Rumesponde ang Special Weapon and Tactics (SWAT) team ng pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Nakumpiska sa dalawang suspek ang isang cal. 22 revolver, siyam na bala, 26 na basyo ng bala para sa kalibre .22, isang improvised shotgun na may dalawang bala at isang gun holster.
Walang kaukulang mga dokumento ang mga nasabing baril, ayon sa mga pulis.
Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Landslide sa Sarangani, 10 nasawi
Jul 10, 2026

