Calendar
Metro
2 kelot nalambat sa shabu, boga
Jojo Cesar Magsombol
Nov 25, 2024
412
Views
DALAWANG lalaki ang naaresto noong Sabado ng mga otoridad dahil sa pag-iingat ng shabu at walang lisensyang baril sa Maria Cristina Village, Brgy. Latag, Lipa City, Batangas.
Naglunsad ng buy-bust ang mga operatiba ng City Drug Enforcement Team ng Lipa City police na nagresulta sa pagkakaaresto kina alyas Rhandel at alyas Kaiser Jhon.
Nakuha sa mga suspek ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng tinatayang 1.46 na gramo ng shabu at nagkakahalaga ng P9,928; isang P500 bill, isang cellphone, isang dilaw na Yamaha Mio (589 DLC), sling bag at isang cal. 38 revolver.
QC cops bumira; 133 kriminal tiniklo
Aug 25, 2026
Lalaki buking na nagnenenok ng kable, tiklo
Aug 25, 2026
Train set para sa NSCR nasa ‘Pinas na
Aug 25, 2026
Oplan Ligtas Eskwela inilunsad ng QCPD
Aug 24, 2026
Solon sa DENR: Problema sa basura solusyonan
Aug 24, 2026

