Kidnap Photo source: FB/Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region

2 kidnap suspek arestado sa checkpoint

254 Views

LIGTAS na nailigtas ang isang biktima ng umano’y kidnapping nitong Miyerkules, Agosto 26 matapos magsumbong ang ilang mga concerned citizens, na nagbunsod ng agarang aksyon mula sa pinagsamang puwersa ng Lanao del Sur Police Provincial Office at Special Action Force.

Nasabat ang sasakyan ng mga suspek sa isang COMELEC checkpoint sa Barangay Matalin, Malabang, Lanao del Sur, na nagresulta sa matagumpay na pagliligtas.

Nakilala ang mga suspek na sina alyas Ansare, 47, at alyas Ali, 50, kapwa residente ng Sultan Naga Dimaporo. Nakuha sa kanila ang dalawang caliber pistols.

Kasalukuyan silang nasa kustodiya ng Malabang Municipal Police Station na naghahanda ng mga kaukulang dokumento para sa pagsasampa ng kaso ng kidnapping (R.A. 1084), illegal possession of firearms (R.A. 10591), at paglabag sa COMELEC Gun Ban.

Pinuri ni POLICE BRIGADIER GENERAL JAYSEN C. DE GUZMAN, Regional Director ng PRO BAR, ang mabilis na aksyon ng mga operatiba at muling iginiit ang mahalagang papel ng komunidad sa pag-uulat ng mga krimen. Binanggit din niya na ang operasyon ay patunay ng matibay na paninindigan ng PRO BAR na labanan ang kriminalidad at panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

STORY FROM THIS LINK: https://www.facebook.com/share/p/19LMwbxELd/