Calendar
SOURCE: QCPD
2 kritikal sa ambush sa QC
MALUBHANG nasugatan ang dalawang katao matapos pagbabarilin ng riding in tandem ang sinsasakyan nilang mini SUV sa Quezon City, nitong Martes ng hapon.
Sa inisyal na ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), pasado alas-tres ng hapon nitong Martes (April 27), habang binabaybay ng puting Suzuki na may plakang NLE-4839 kung saan sakay ang isang negosyante ang kanto ng Timog Avenue at Edsa, ay biglang sumulpot ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo at pinaulanan ng bala ang kanilang sasakyan.
Nang makitang kapwa duguan ang sakay ng SUV ay agad na tumakas ang suspek habang isinugod ang dalawang biktima sa East Avenue Medical Center kung saan kapwa nasa kritikal na kondisyon ngayon.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya ang motibo sa nangyaring ambush at sinusuri na rin ang mga CCTV sa lugar sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek.

