Calendar
Provincial
2 lalaki nalambat sa droga, boga
Jojo Cesar Magsombol
Jan 24, 2025
566
Views
DALAWANG lalaki noong Miyerkules ang nasakote ng mga otoridad dahil sa pagdadala ng baril at shabu sa Calaca at Cuenca, Batangas.
Nahuli ng mga miyembro ng Cuenca police si alyas Joel sa Brgy. Ibabao, Cuenca dahil sa paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Act).
Nasamsam mula sa kanya ang 20 bala para sa 9mm na baril, isang 9mm pistol, cartridge box at dalawang plastic sachets na may lamang hinihinalang shabu.
Si alyas Rolando nahuli bandang alas-10:26 ng gabi noong Enero 22 sa Brgy. Puting Bato Silangan, Calaca, Batangas.
Kasong paglabag sa RA No. 10591 din ang ugat ng pag-aresto kay alyas Rolando.
Narekober ng mga pulis mula sa suspek ang Magnum .22 caliber, anim na bala at mga illegal drug paraphernalia.
PNP, PCA nag-collab sa pagtanim ng puno
Aug 25, 2026
Ex-miyembro ng CTG nagbalik-loob sa gobyerno
Aug 25, 2026
UPLB 4PH Rental Housing Project ginagawa na
Aug 24, 2026
PAGDINIG SA ZAMBOANGA SCHOOL SHOOTING
Aug 24, 2026
2 arestado sa P1.5M Kush na halagang P1.5M
Aug 24, 2026
7 nasapot ng parak sa sabong ng gagamba sa Batangas
Aug 24, 2026
