Pic

2 lalaki natagpuang bangkay matapos barilin

Jon-jon Reyes Oct 3, 2026
13 Views

Pic1DEAD-on-the-spot ang dalawang lalaki na pinagbabaril sa iba’t-ibang parte ng katawan sa bahay sa Blg. 3211, Molave Extension, Barrio Obrero St., Brgy. 194, Tondo, Maynila noong Biyernes.

Nakilala ang mga biktima na sina alyas Paolo, 42; at Rizaide.

Ayon sa mga pulis, apat na lalaki ang nakita sa CCTV bago mangyari ang pamamaril bandang alas-2:05 ng madaling araw.

Si Pat. Doguiles ang nakatanggap ng mula sa mga tauhan ng TMRU na sina PMSg Clarence Tala at tatlong iba pa at rumesponde sa nabanggit na lugar.

Ang duty investigator na si PSSg Jay Jay Ramos ay nagtungo sa pinangyarihan ng insidente upang magsagawa ng imbestigasyon.

Bandang alas-2:00 ng madaling-araw noong Oktubre 2 nakarinig ang mga saksi ng sunod-sunod na mga putok ng baril mula sa lugar na iyon at nakita nila ang dalawang biktima na nakahandusay sa lupa at may mga bakas ng tama ng baril.

Wala ng buhay ang mga ito ng matagpuan sa pinangyarihan ng insidente.

Ipinaalam ang insidente kay MPD Homicide Investigator PSSg John Rupert Agustin na siyang humawak sa kaso.