Calendar
Iniharap ni Police Lt. Col. Rommel Anicete ang mga naarestong suspek na naaktuhang gumagawa ng ilegal na pag ta-tapping ng tubig sa Baseco compound. Kuha ni JONJON C. REYES
2 magnanakaw ng tubig sa Baseco arestado
SWAK sa selda ang dalawang lalaki dahil sa ilegal na koneksyon ng tubig ng Maynilad noong Miyerkules sa Dubai St., Brgy. 649, Baseco compound, Port Area Manila.
Nakilala ang mga suspek na sina alyas Victor, 44; at Ernio, 46.
Ayon kay Police Lt. Col. Rommel Anicete, station commander ng MPD Baseco Police Station 13, hinuli ang dalawa dahil nagsumbong ang isang concerned citizen kaugnay sa ilegal na pangongotong na koneksyon ng tubig ng Maynilad.
Inatasan ni PLt. Col. Anicete ang mga tauhan ng 130 Sector 3 at Sector 1 sa pamumuno ni PCapt. Leonardo Blanco Jr. para maberipika ang isinumbong ng concerned citizen.
Nahuli ang 2 suspek sa akto ng pagnanakaw ng koneksyon sa tubig ng Maynilad at nang ma-validate sa kinatawan ng Maynilad na naroroon sa lugar, wala silang job order para sa naturang aktibidad.

