Martin

2 mambabatas, Vice Gov Singson, iba pang lokal na opisyal umanib na sa Lakas-CMD

191 Views

DALAWA pang miyembro ng Kamara de Representantes ang umanib na sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).

Pinangasiwaan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, pangulo ng Lakas-CMD, ang panunumpa nina South Cotabato 2nd District Rep. Peter B. Miguel at Laguna 2nd District Rep. Ruth Mariano-Hernandez na ginanap sa Office of the Speaker sa Batasan Complex, Quezon City.

“It’s a great honor and pleasure to have all of you today (Tuesdsy) and it’s an auspicious day because you have joined Lakas-CMD. We thank you for coming and I am here personally to assure you that you have joined the right party,” sabi ni Romualdez sa mga bagong miyembro ng Lakas-CMD.

Sa pag-anib nina Miguel at Mariano-Hernandez ay umakyat na sa 70 ang bilang ng mga miyembro ng Lakas-CMD sa Kamara de Representantes.

Nanumpa rin sina Ilocos Sur Vice Gov. Ryan Luis Singson at mga opisyal ng Biñan City na sina Mayor Walfredo Dimaguila Jr., Vice Mayor Angelo B. Alonte, and Councilors Libunero O. Alatiit, Jayson A. Souza, Elmario Dimaranan, Flaviano D. Pecaa, Jr., Elvis L. Bedia, Rommel R. Dicdican, Jonalina R. Reyes, Christopher A. Alba, Rafael L. Cardeño Jr., Alvin Z. Garcia at Victor L. Cariño.

Ang mga alkade ng iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Catanduanes ay nanumpa rin. Ito ay sina Mayors Jose Paolo Teves III ng Baras, Juan Rodulfo ng Bato, Odilon Pascua ng Bagamanoc, Glenda Aguilar ng Caramoan, Vicente Tayam Jr. ng Gigmoto, at Cesar Robles ng Panganiban.

Nanumpa rin sina Cora June Lagasca-Solano, Aristeo A. Ragay, Allan B. Valenzuela, Cristobal E. Notado Jr., Inocasio C. Noora, Dave E. Peñaflor, Milany V. Ragay, Jaime B. Cacatian, Roslin P. Oro, and Menardo G. Olivan from San Fernando, Camarines Sur na sa kasalukuyan ay walang inuukopang mga posisyon.

Ang panunumpa ay sinaksihan ni Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe.

Sinabi naman ni Speaker Romualdez na ang pagdami ng mga miyembro ng Lakas-CMD ay nangangahulugan na paglakas ang suporta sa Agenda for Prosperity at socio-economic development roadmap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Binanggit din ni Speaker Romualdez ang naging pag-unlad ng ekonomiya sa unang anim na buwan ng termino ni Pangulong Marcos.

“We will do our best to make such growth trickle down to the poor sectors of our society through social services and direct financial assistance programs,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.