Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Police Lt.Col. Alvin Christopher Bayabayan Sinabi ni Police Lt.Col. Alvin Christopher Bayabayan patuloy pa tutugisin ang iba pang suspek upang mabawi ang iba pang mga gadget. Kuha ni JONJON C. REYES

2 miyembro ng Bolt Cutter Gang nalambat saTondo

Jon-jon Reyes Jun 11, 2025
368 Views

DALAWA sa limang hinihinalang miyembro ng Bolt Cutter Gang ang naaresto ng mga operatiba ng MPD DID matapos umanong salakayin ng mga ito ang isang establishment sa Abad Santos corner Bambang St,Tondo Manila, Martes ng madaling araw,.

Base sa ulat nina Police Staff Sergeant Rolando Pascual, Patrolman Kemuel Monteclaro at Patrolman Marlon Morales ,ng Sector 2 ng Tayuman/Almeda sakop ng Station 2 ng MPD, bandang 2:28 ng madaling araw nang mangyari ang nasabing pagsalakay, mula sa itim na Honda PCX at ‘toktok’ na ginamit na getaway vehicle ng mga suspek.

Una rito, humingi ng tulong sa mga operatiba ang isang 27-anyos nussineswoman.

Sa report ng pulisya,bolt cutter ang ginamit na pagputol sa mga kandado ng establishment.

Umabot sa P8,000,000 ang halaga ng natangay ng mga suspek. Kabilang dito ang 525 piraso na cellular phone at gadgets.

Agad nagsagawa ng follow up operation si Police Lieutenant Colonel Alvin Christopher Baybayan, commander ng MPD Moriones Police Station 2 ,kung saan naaresto ang dalawang suspek.