Rizal

2 most wanted timbog sa Rizal

41 Views

Live

NAGBUNGA ang kampanya ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) laban sa mga wanted person matapos maaresto ng mga tauhan ng Rodriguez police ang dalawang indibidwal na kabilang sa listahan ng Most Wanted Person noong Huwebes.

Unang naaresto sa Brgy. San Isidro si alyas Fred sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong acts of lasciviousness.

May inirekomendang piyansang P180,000 para pansamantalang paglaya ng suspek.

Isinilbi ng Warrant Section ng Rodriguez police ang warrant of arrest laban kay alyas Bilog, 26, kabilang sa Provincial Level Most Wanted Person.

Nahaharap siya sa dalawang bilang ng paglabag sa New Anti-Carnapping Act of 2016 na may inirekomendang piyansang P600,000.

Sa ilalim ng pamumuno ni PCol. Eleazar R Barber Jr., director ng Rizal PPO, pinaiigting ng kapulisan ang pagtugis sa mga wanted persons.