Lipa

2 nagnenok sa vape shop; 1 tiklo, 1 nakaeskapo

319 Views

NADAKMA ng mga pulis noong Sabado ang lalakI sa aktong nagnanakaw pero nakatakas ang kasama nito sa pagnanakaw sa vape shop sa JP Laurel Highway sa Brgy. Balintawak, Lipa City, Batangas.

Nahuli ang tirador ng makatanggap ang biktimang si alyas Allen, 30, ng alert tone mula sa kanyang cellular phone bandang alas-12:55 ng madaling araw.

Nang suriin ang kuha sa CCTV, natuklasan niya na dalawang hindi nakilalang indibidwal ang pumasok sa establisyimento sa pamamagitan ng pagwasak sa kisame.

Pagdating sa lugar ng mga pulis, natagpuan nila ang mga suspek sa loob ng tindahan at sinabihang sumuko.

Pero isa sa mga suspek, si alyas Joshua, 24, nagpaputok ng baril.

Gumanti ng putok ang mga pulis at nahagip si Joshua sa kanang hita kaya nahuli.

Samantala, nakatakas patungo sa kalapit na lugar ang kanyang kakosa na si alyas RJ.