Calendar

2 nangholdap ng rider, natimbog ng parak
NASAKOTE ng mga pulis-Manila ang dalawang suspek sa panghoholdap makaraang holdapin ang delivery rider sa Quirino St. sa Brgy. 701, Malate, Manila noong Biyernes.
Kinilala ang mga suspek sina alyas Ronniell, 24, at alyas Ben, 18. Suspek ang dalawa sa panghoholdap sa biktimang si Alberto Sebastian, 30, delivery rider.
Sa salaysay ng biktima, naglalakad daw siya ng biglang sumulpot ang mga suspek sakay ng motorsiklo mula sa likuran.
Tinutukan siya ng baril at nagdeklara ng holdap. Dahil sa takot, ibinigay ng rider ang kanyang cellular na nagkakahalaga ng P3,000 sa mga suspek.
Sumigaw at humingi ng tulong ang biktima at napansin ng mga tauhan ng Intelligence Section ng Manila Police District habang nagsasagawa ng anti criminality operation sa nasabing lugar.
Nakumpiska sa mga suspek ang 2 .38 caliber revolver, 6 na bala, 1 Yamaha Mio I 125 at ang celphone ng biktima.