PRC

2 nanguna sa Civil Engineer licensure exam

216 Views

DALAWA ang umukupa sa top 1 ng April 2023 Civil Engineer Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).

Sina Garret Wilkenson Ching Sia, ng De La Salle University – Manila at Alexis Castillo Alegado, ng Mariano Marcos State University – Batac ay kapwa nakakuha ng 92.10 porsyentong rating.

Ayon sa PRC pumasa sa licensure examination ang 5,887 sa 16,936 kumuha ng pagsusulit na isinagawa sa National Capital Region, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Palawan, Pampanga, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.

Ang top performing school sa pagsusulit ay ang De La Salle University – Manila na nakapagtala ng 88.99 porsyentong passing rate at sinundan ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila na may 81.52 porsyentong passing rate.

Pumangalawa naman sina Reden Christian Tandoc Mecado ng Saint Louis University at Casmer Blah Dilangalan ng University of the Philippines-Diliman na nakapagtala ng 90.45 porsyento.

Tatlo naman ang nasa top 3, sina John Carlo Dungca Dela Cruz ng Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela, Melvin Balcita Ancheta ng Pangasinan State University-Urdaneta, at Emilson Ryan Domanog Antes ng UP-Diliman, na nakakuha ng 90.35 porsyento.

Pang-apat naman sina Renalyn Thea Marasigan Untalan ng De La Salle University-Manila at Alexander Baldemor de Lara ng Mapua Univeristy-Manila na kapwa nakapagtala ng 90 porsyneto, at pang-lima si Kyle Adrian Ares Oliva ng Mindanao State University-Iligan Institute of Technology (89.75).