Calendar

2 parak timbog sa panloloob sa printing shop
CAMP OLIVAS, Pampanga–Arestado ang dalawang parak na miyembro ng Pampanga Drug Enforcement Unit (PDEU) noong Huwebes dahil sa pagnanakaw matapos ma-trace na naka-link sa PDEU ang sasakyang ginamit sa krimen.
Ayon sa report, limang armadong lalaki na nakasuot ng black jacket, bonnet at face mask ang sapilitang pumasok sa printing shop sa Brgy. Tabun dakong alas-10:00 ng gabi.
Ang mga biktima ay itinali ng cable straps, dinismantle ang kanilang CCTV at inakusahan na may pinag-iingat na illegal drugs.
Matapos pagnakawan ang mga biktima, tumakas ang mga suspek tangay ang siyam na mamahaling high smartphones sakay ng itim na Toyota Vios na walang plate number.
Sa follow-up operation, na-recover ang abandoned getaway vehicle sa Brgy. San Vicente, Sacobia, Bamban, Tarlac at naka recover ng mga dokumento na naka-link sa members ng PDEU ang Vios.
Hindi muna pinangalanan ang mga nahuling kawatan na parak. May kasamang ulat ni Bernard Galang