Calendar
Larawan: Philippine Red Cross/FB
2 patay, 2 sugatan sa pagsabog sa Masbate City

Dalawang katao ang nasawi at dalawa ang nasugatan matapos ang pagsabog malapit sa LCC Mall sa Tara Street, Barangay Pating, Masbate City, noong Nobyembre 14, 2026, bandang alas-2:30 ng hapon.
Ayon sa Philippine Red Cross, naganap ang insidente malapit sa exit ng LCC Furniture Store, kung saan naghihintay ng pasahero ang mga tricycle. Agad na rumesponde ang Masbate Chapter ng Red Cross at nag-deploy ng mga staff at volunteer, habang nagdala ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng mga sugatan sa Masbate Provincial Hospital.
Samantala, patuloy na iniimbestigahan ng Masbate Police Provincial Office (PPO), katuwang ang iba pang ahensya, ang sanhi ng pagsabog. Batay sa paunang impormasyon, posibleng may kaugnayan ito sa pressurized biogas system sa drainage canal, ngunit hindi pa ito kumpirmado.
Naiulat din ang panibagong minor gas fume explosion noong Nobyembre 15. Pinapayuhan ang publiko na pansamantalang umiwas sa lugar hanggang sa ideklarang ligtas ito ng mga awtoridad at huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon.

