2 preso nakatakas; 2 bantay na pulis, dinisarmahan, inaresto

Alfred Dalizon Mar 31, 2026
111 Views

INARESTO ng kapwa nila pulis noong Lunes ang dalawang miyembro ng Mariveles police na hindi agad ini-report sa kanilang superior na nakatakas ang dalawang preso na binabantayan nila.

Kinuha ang baril ng dlawang pulis na may ranggong Police Senior Master Sergeant at Police Chief Master Sergeant dahil hindi inireport na “nakatakas” daw ang dalawang Persons Under Police Custody (PUPCs) na ini-eskortan nila bandang alas-6:30 ng umaga noong Lunes, ayon kay Police Regional Office 3 director Brigadier General Jess Mendez.

Mahaharap sa administrative at criminal charges for infidelity ang dalawa sa ilalim ng Article 224 ng Revised Penal Code.

Nalaman lang ni Mariveles police chief Lieutenant Colonel Mar Joseph Ravelo na nakatakas na ang dalawang preso habang nagi-inspeksyon bandang alas-6:40 ng umaga noong Martes, ayon kay Gen. Mendez.

Sa report kay Philippine National Police chief, General Jose Melencio Nartatez Jr., inieskortan ng dalawang pulis sina Junjun Jimenez atJaypee Loquisan, 33, para sa inquest dahil sa kasong carnapping nang makatalon daw sa service vehicle.

Hindi rin malinaw kung nakaposas ang dalawa noong “tumakas.”

Depensa ng dalawang pulis, sinubukan nilang maaresto uli ang dalawa pero nakatakas na daw agad.

Pinaghahanap na ng mga pulis sa Region 3 ang dalawang nakatakas.