Pugante Photo Bureau of Immigration

2 pugante idedeport ng BI

Jun I Legaspi Jan 13, 2025
9 Views

DALAWANG umano’y pugante mula sa South Korea ang inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) at nakatakdang ipa-deport upang harapin ang kanyang mga kaso sa South Korea.

Naaresto ng mga dayuhan noong Enero 7 at 8 sa mga operasyon na isinagawa ng mga miyembro ng Fugitive Search Unit (FSU) ng BI sa Metro Manila at probinsya ng Cebu.

“We will expel and ban them from re-entering the country for being undesirable aliens. The Philippines is not a sanctuary for wanted criminals,” sabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado.

Naaresto sa UN Avenue, Ermita, Maynila ang 59-taong gulang na si Choi Won Chul, isang overstaying alien na subject ng red notice mula sa Interpol.

May arrest warrant si Choi mula sa isang district court sa Seoul dahil sa mga kasong embezzlement at fraud sa ilalim ng criminal act ng South Korea.

Si Choi, nagtatrabaho bilang car dealer noong 2008, inakusahan ng pang-iiscam ng humigit-kumulang $65,000 na bayad mula sa kanyang mga kliyente.

Inaakusahan din siya ng pandaraya sa iba pang biktima ng halagang $105,000 matapos magkunwari na ibebenta ang kanilang mga sasakyan sa mga interesadong mamimili.

Ang suspek, kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP-MPD sa Custodial Section ng MPD Headquarters, UN Avenue, Ermita, Manila habang hinihintay ang resolusyon ng kanyang lokal na kaso.

Samantala, naaresto rin ng FSU agents sa Talisay City, Cebu si Lee Jihwan, 53, na overstaying rin at subject ng Interpol red notice.

Ayon sa warrant of arrest na inilabas noong Nobyembre 2023 sa Changwon District Court, may kaso ng pananakit si Lee.