Calendar
2 suspek sa malaswang gawa, gahasa arestado
TIKLO ang dalawang akusado dahil sa dalawang counts ng statutory rape at isang act of lasciviousness sa menor-de-edad nilang biktima sa magkahiwalay na lugar noong Miyerkules sa Taguig at Las Piñas.
Alas-2:30 ng hapon nang dakpin sa bisa ng warrant of arrest si alyas Adelbert sa kanyang tirahan sa Upper Bicutan.
Inilabas ni Taguig City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Desiree Gertrude Orquiola-Moldez ng Branch 163 ang arrest warrant laban kay alyas Adelbert dahil sa dalawang bilang ng statutory rape at isang acts of lasciviousness.
Sa ulat naman ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Manuel Abrugena, alas-4:40 ng hapon nadakip sa Las Piñas City si alyas Richard, 36, sa sa Santa Rita Compound Brgy. Talon Uno.
Nahaharap sa kasong acts of lasciviousness si alyas Richard batay sa inilabas na warrant of arrest laban sa kanya ni Las Piñas City RTC Judge Nerina C.N. Anastacio Mendinueto ng Branch 202.