Calendar
Provincial
2 suspek sa panghahalay arestado
Jojo Cesar Magsombol
Mar 10, 2025
339
Views
DALAWANG suspek sa kasong panghahalay ang naaresto ng mga otoridad sa Batangas at Bulacan noong Marso 6, ayon kay P/Col. Jacinto Malinao, provincial police director.
Bandang ala-1:35 ng hapon nasakote ng pwersa ng Taysan police ang akusado na si alyas Christian sa tulong ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rose Marie J. Manalang Austria, ng RTC Branch 87, Lipa City, Batangas.
Ang akusadong si alyas John Kaizer nadakip ng mga tauhan ng warrant section ng Batangas City police bandang alas-8:06 ng gabi sa Brgy. Balite, Calumpit, Bulacan.
Naaresto siya sa pamamagitan ng warrant of arrest para sa dalawang bilang ng qualified rape na inisyu ni Acting Presiding Judge Cynthia Mariño Ricablanca, RTC Branch 1 ng Batangas City.
Bebot na HVI sa Cainta tiklo sa P1.7M shabu
Oct 14, 2026

